YFriday, August 06, 2004

nakakainis inulit ko to dahil ng page cannot be found...tpos pg refresh ko e wla n yung sinulat ko! anyway eto na yung karugtong nung pinost ko dati.

meron kang makakasakay sa dyip na parang may radyo sa lalamunan...halos lahat ng kanta sa dyip e sinasabayan at meron din naman na pati amplifier e nalulon din...para ng may ngcoconcert sa sinasakyan mo. d bale sana kung nsa tono e kaso minsan makabasag eardrum ang mga boses nila.

meron din naman na ngkwekwentuhan, na halos lahat ng tao sa dyip e alam na ang pinaguusapan nila....ang iniintay ko na lamang ay may mgbigay ng kanilang advice tungkol sa problema nila. meron din naman na kung mghalakhakan e parang wla ng bukas...matatawa ka na nga lang din minsan.

meron din nmng mga couple na mahilig sa PDA na lahat ng tao e nakatingin na sa kanila at iniintay na lamang kung sino ang maaunang bumigay sa dalawa.

meron din na mga bata sa dyip....merong matitibay sa biyahe at meron din nmng hindi. nung minsan ay may nakasakay akong mg-ina, nung nasa kalagitnaan na kami ng biyahe e bigla n lng sumuka ang anak niya.....katabi ko pa naman....buti na lng at medyo maluwag ang dyip at nakaiwas ako sa tiyak na kapahamakan. isng litrong gatas ang isinuka ng kanyang anak...amoy lactum pa yung gatas na iniinom nya. m,eron din naman na ubod ng likot na bata bigla na lng sisipa habang nakakandong s nanay nila...pg baba mo may instant pasa ka na agad. meron din yung mahilig mang hila ng damit na kung minsan ay mapupunit pa yung suot suot mo. meron din yung mahilig sumandal sa iyo na akala e ikaw na yung magulang nila.

meron ka rin nmn makakasakay na mga bakla....na kung makatabi syo e makakapatay ka ng tao. kakaiba kung dumikit syo at pg may bumaba ay natural na uusod ka pra ndi mo n sya makatabi...pro uusod din ang bruha at tatabi ulit syo.

meron din na parang nabili na nila ang upuan ng dyip, na sisiksikin ka smantalang pgkaluwag luwag naman. meron ding mga tao na kung makasandal syo e para kang silya. meron din naman na basta na lang kung makaupo, kya pati minsan e ikaw na yung nauupan nila.

meron din masasamang elemento sa dyip...mga snatcher, mandurukot at holdaper...at ayokong makasalamuha ang mga gnun.

marami talagang maaaring mngyari sa dyip, may masaya, may nakakainis, may nakakatuwa, may nakakatawa, may nakakalungkot at may nakakatakot.

lynard left at 9:45 AM .

Profile
Lynard Ignacio
His friends call him Lynard, Lee, Nard, Anthony, Lon lon. Currently he is a Med student of the University of Santo Tomas. A B.S. Psychology graduate of the same university. A person who wants to release his thoughts/feelings but doesnt really know how to express himself. Optimistic about somethings but at the same time pessimistic on other things. He hopes to accomplish and to do all the things he wants.


lynard6885@yahoo.com
Friendster Account
Multiply Account



Those I Jailed

[may] [jenny] [nutcase] [she] [nina] [jelo] [esdi] [gay] [lele] [leah] [kyang] [may] [caesar] [adriel] [pai] [rhezi] [joel] [mabs] [louanne] [gj] [orange] [ness] [chika] [ghala] [arianne] [veron] [mabelle] [carla] [jaycee] [elle] [sean] [tophe] [meanne]

Memories
June 2004
July 2004
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
October 2006
November 2006
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
April 2008

Credits
li0nheart
Words from You