YSaturday, July 31, 2004
halos lahat na ata ng tao sa pilipinas ay nakasakay na ng dyip (jeep). sa loob ng dyip, iba't ibang klase ng mga tao ang makakasalamuha mo. may mayaman at may mahirap, may cute at may pangit, may mabaho at may mabango....ilan lang yan sa maaari mong makasalamuha sa loob ng dyip.
minsan na sumakay ako sa dyip may nakatabi akong mahaba ang buhok kaya sa tuwing umaandar ang dyip ay tumatama sa aking mukha ang kanyang napakalagong buhok...sa kabila ko naman ay isang mama na isang linggo na atang hindi naliligo..alam nyo na siguro ang sinasabi ko. kung kayo yung nasa lugar na iyon san ka haharap? sa babaeng may mahabang buhok na tama ng tama sa mukha mo habang umaandar yung dyip o dun sa mama?
minsan naman ay meron kang makakatabi na antukin...yung tipong kakasakay lang e...tulog na agad. ok lng nmn na matulog s biyahe kaso lng e pag nakakaistorbo ka n ng katabi e ibang usapan na yun. merong mga tao e hindi ko maintindihan kung bakit bagsak ng bagsak yung ulo sa balikat mo...ayos lang sana kung dahan dahan, kaso minsan biglaan kya para kang binagsakan ng isang malaking bato sa balikat. ok lng din sna kung cute yung natautulog sa balikat mo e, kaso kadalasan hindi. at ayos pa sana kung babae, kaso minsan din lalaki yung humihilig sa balikat mo...bka mapagkamalan ka pang bakla.
Minsan din naman ay sweswertihin ka...kaso minsan nga lang yung. minsan may makakatabi kang cute or maganda sa dyip...depende na lang yun sa araw mo, pro kadalasan e mga.......ang katabi mo.
antayin nyo n lang yung mga sususnod...mahaba kasi e...gagawa pa ko ng formal report...sino bang mabait dyan na tutulong sa akin?hehe
lynard left at